STA. CRUZ, Laguna – Ang pagkakaroon ng maayos na trabaho ay susi sa pagkakaroon ng maayos na pamumuhay. At bahagi ng aking 8-Point Program ang Serbisyong Pangkabuhayan na layuning tulungan paunlarin ang kabuhayan ng mga Lagunense sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga oportunidad na makapagtrabaho.
 
Ngayon na matagumpay na nating nailunsad ang PLEIS o Province of Laguna Employment and Information System By: PESO, mas mapapadali na ang paghahanap ng trabaho ng ating mga kalalawigan.
Ang PLEIS ay isang online job portal na nagsisilbing tulay sa mga hiring na kumpanya at sa mga jobseekers dito sa ating lalawigan. Trabaho na po ang inilapit natin sa inyo, at hindi na kailangan umalis ng bahay para makapag-apply.
 
Proyekto ito ng ating Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Public Employment Service Office at Management Information Systems Office, at kauna-unahan sa ating region.
 
Mag-register na sa pleis.laguna.gov.ph dahil sa PLEIS, maraming trabaho ang naghihintay sa inyo.
 
cto:  https://www.facebook.com/GovRamil