Pinangunahan ni Gob. Ramil Hernandez  ang pamamahagi ng ayuda para sa 60 displaced Overseas Filipino Workers na dulot ng pandemya. Kaugnay ito ng Integrated Livelihood Emergency Employment Program ng Department of Labor and Employment.

Layunin ng programa na makabawas sa bilang ng mga nawalan ng trabaho at maisulong ang pagnenegosyo o entrepreneurship sa pamayanan. Katuwang ang Laguna Public Employment Service Office, nagsagawa ng panayam at masusing pinili ang mga beneficiaries na nakatanggap ng pangkabuhayan package (58) at gardening items (2) na nagkakahalaga ng P 30,000 bawat isa. Nagpapasalamat si Gob. Hernandez  sa DOLE sa kanilang programang tumutulong sa mga OFW na nawalan ng kabuhayan, gayundin sa PESO na nakipag-ugnayan sa DOLE upang maayos itong maipatupad. Ani ni Gob. Hernandez para sa mga displaced OFW, “huwag po kayong mawalan ng pag-asa at sa halip ay patuloy na mag-adapt, mag-adjust, at mag-tulungan tayo para malampasan natin ang pandemyang ito”. Kasama  sa ginanap na programa sina DOLE Provincial Director Guido Recio, Congresswoman Ruth Mariano-Hernandez, Ms. Mary Jane Banasihan-Corcuera ng PESO, at iba pang opisyal. (Jonna S. Coroza, larawang kuha ni Jun Sapungan/PIO Laguna)